Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ang Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) Farmer Regional Executive Director (FRED) Exit Conference ngayong araw, ika-4 ng Hunyo sa Baler, Aurora.

Ito ay may layuning talakayin ang mga mahahalagang diskusyon at mga hakbangin para sa pagpapaigting ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa rehiyon.

Bilang pagsisimula ng programa, nagbigay ng mensahe si Planning, Monitoring and Evaluation Division Chief at RAFC Executive Officer Noli Sambo na sinundan ng pananalita ni Provincial AFC Dennis Zuñiga at Provincial Agriculturist Arnold Novicio.

Samantala, inulat ni RAFC Chairperson Onesimo Romano ang hinggil sa mga isinagawang aktibidad at proyekto ng grupo.

Isa rin sa mga pangunahing bahagi ng programa ay ang paglalatag ng mga gabay para sa paghahanap ng mga natatanging AFC Council Coordinators at mga Sectoral Committee at Council Chairperson para sa taong 2024, na binigyang-diin ni RAFC Secretariat Lea Cortez.

Sinundan ito ng isang pre-conference meeting bilang paghahanda sa AFC Luzon Congress Conference Proper na pinangasiwaan ni Philippine Council for Agriculture and Fisheries Coordinator Rowena Gallemit.

Ang pagtitipon na ito ay hindi lamang isang simpleng okasyon kung ‘di isang pagpapakita ng sama-samang pagkilos para sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon

#BagongPilipinas