Nakatanggap ng parangal ang programang AgriTV Central Luzon ng Regional Agriculture and Fisheries Information Section ng DA Central Luzon bilang “Most Development-Oriented Livelihood Program” sa ginanap na UP ComBroadSoc Gandingan Awards 2024 nitong ika-4 ng Mayo sa Charles Fuller Baker Hall, UPLB Los Baños, Laguna.
Ang Gandingan Awards ay isang inoorganisa ng UP Community Broadcasters’ Society na may layuning hikayatin ang paggawa at pagpapalabas ng development-oriented na mga programa sa radyo, telebisyon, at online para sa kapakinabangan ng bawat Pilipino.
Ito ang pangalawang taon ng RAFIS na nabigyan ng parangal sa kaparehong kategorya.
Congratulations RAFIS!!!