Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa ilalim ng High Value Crops Development Program (HVCDP) ang Gulayan sa Barangay (GSB) Regional Awarding nitong ika-15 ng Disyembre sa Savannah Hotel, Clarkview, Don Juico Ave, Angeles City, Pampanga. Layunin ng programang Gulayan sa Barangay ang makapaghatid ng masustansiyang gulay para sa lahat maging ang pagkakaroon ng kabuhayan sa mga mamamayan nito.

Sa mensahe ni Regional Executive Director (RED) Crispulo Bautista Jr., ipinaliwanag niya ang isyu sa inflation rate at kung gaano kahalaga ang pagtatanim ng gulay. “Alam niyo ba na halos 50% ng gulay na kinakain ng mga taga Metro Manila ay nangagaling ng Gitnang Luzon at tignan natin ‘yung ating mga commercial vegetable farmers na halos lahat ng kanilang produkto ay napupunta sa Manila. Iyong inflation rate ng Central Luzon ay pumapantay sa inflation rate ng NCR at para maibsan natin ‘yung inflation rate dito sa Gitnang Luzon kailangan mag-prodyus tayo ng mga gulay na sarili natin,”saad nito.

Ito ay pinangunahan nina Program Director ng High Value Crops Development Program and National Urban & Peri-Urban Agriculture Gerald Glenn Panganiban, Regional Executive Director Crispulo Bautista Jr., Regional Technical Director for Operations, Extension, and AMAD Dr. Eduardo Lapuz, Regional Technical Director for Research, Regulatory and Integrated Laboratories Arthur Dayrit, Project Development Officer IV Jeffrey Rodriguez, Project Development Officer IV Atty. Joycel Panlilio, Field Operations Division Chief Elma Mananes, HVCDP Focal Person Engr. AB David, Civil Society Organization (CSO) Representative Ferdinand Marcos at Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) Chairman Engr. Francisco Hernandez.

Bukod pa roon, nagwagi rin ang Brgy. Bulihan, Brgy. Detailen at Brgy. San Nicolas sa GSB Regional Awarding.

1st- Brgy. Bulihan, Plaridel, Bulacan

2nd – Brgy. Detailen, Maria Aurora, Aurora

3rd – Brgy. San Nicolas, San Antonio Zambales

Samantala, pinarangalan din ang ibang lalawigan ng special awards gaya ng Best Crop Museum, Seed Bank, Household Replications, Innovations with Recycled Materials, Audio-Visual Presentation, Storage, Scrapbook, Nursery, Community Pantry, Kumikitang Gulayan sa Barangay,

Best Kapitan at

Best Mayor. Best Crop Museum – Brgy. Bulihan, Plaridel, Bulacan

Best Seed Bank – Brgy. Bagong Sikat, Talavera, Nueva Ecija

Best in Household Replications – Brgy. Bagong Sikat, Talavera, Nueva Ecija

Best in Innovations with Recycled Materials

1st – Brgy. Sta. Monica, San Simon, Pampanga

2nd – Brgy. Bulihan, Plaridel, Bulacan 3rd – Brgy. Bagong Sikat, Talavera, Nueva EcijaBest Audio-Visual Presentation – Brgy. San Nicolas, San Antonio, ZambalesBest Storage – Brgy. San Nicolas, San Antonio, Zambales Best Scrapbook1st – Brgy. Bulihan, Plaridel, Bulacan 2nd – Brgy. Detailen, Maria Aurora, Aurora

3rd- Brgy. Bagong Sikat, Talavera, Nueva Ecija Best Nursery – Brgy. Detailen, Maria Aurora, AuroraBest Community Pantry – Brgy. Sta. Monica, San Simon, Pampanga Kumikitang Gulayan sa Barangay – Brgy. Bulihan, Plaridel, Bulacan Best Kapitan – Esperanza G. Garcia

Best Mayor – Mayor Jocell Aimee R. Vistan-Casaje Si Director Panganiban na nagsilbing Guest Speaker ng seremonya ay ibinahagi naman ang importansiya ng pagkakaroon ng pagkakaisa. “Itong ating ginagawa ay ang physical manifestation kung ano iyong collaboration o pagkakaisa. Sa amin sa national government kapag mayroong policies at guidelines na makakatulong sa inyo, ibinabahagi namin ito kung alam naman namin na makikinabang ang lahat sa mga practices na iyon.

Ang awarding na ito ay magandang platform dahil sa mga magagandang ginagawa niyo,” wika nito. Si Esperanza Garcia mula Plaridel, Bulacan na itinanghal bilang Best Kapitana ay nagpaabot din ng kaniyang pagbati sa mga nanalo. Lubos din ang kaniyang pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanila upang maging matagumpay ang kanilang Gulayan sa Barangay. “Congratulations po sa lahat ng kasali ngayong araw na ito. Sa lahat po ng kapitan na nagbigay sa akin ng bote na ginamit namin sa garden pati sa mga teachers na tumulong sa pagbuo ng scrapbook at sa mga volunteers na tumutulong sa pagdadamo, maraming maraming salamat,” aniya.

Bilang pangwakas na pananalita, inihayag ni RTD Dayrit na ang proyektong GSB ang isa sa susi upang magkaroon ng food security sa rehiyon. “Natutuwa kami sa inyo dahil mayroon tayong mga municipal mayor, city mayor, governors na tulong-tulong sa ganitong proyekto. Sana sa susunod na pagkakataon lahat ng barangay sa Central Luzon ay gawin ang proyektong Gulayan sa Barangay upang makamit ang food security sa rehiyon,” saad nito.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon