Idinaos ang ika-walong (8th) Field Day ng Research Station para sa Hillyland Development (RSDH) sa ilalim sa Research Division ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon nitong ika-26 ng Nobyembre sa Brgy. Porac, Botolan, Zambales.
Ang field day ay may temang βKaunlaran sa Hillyland: Siyensya at Magsasaka, Kaagapay sa iNEWvationβ na naglalayong maipakita ang mga pagsisikap ng istasyon sa pagbuo ng mga pananaliksik nito upang matulungan ang mga magsasaka sa lugar.
Dinaluhan ito ng mga asosasyon ng mga magsasaka na ang topograpiya ng lupang sakahan ay maburol o sa kabundukan. Nag-imbita rin ng mga estudyante nag-aaral sa sekondarya at kolehiyo upang mabigyan ng kamalayan sa kahalagahan ng pananaliksik at inobasyon sa sektor ng agrikultura.
Sa mensahe ng Station Manager ng RSDH Robinel Ocampo ay binigyan diin nito ang matibay na ugnayan ng agham at mga hillyland farmers sa pagsusulong ng integrated sustainable farming system.
βSa tulong po ng inobasyon sama-sama po nating palalakasin ang ating mga hillyland agriculture sa Gitnang Luzonβ, sambit ni Ocampo.
Ipinaalala din ng naimbitahang pananauhing tagapagsalita na si Gng. Gladys Espiritu ang Punong Guro ng Iram National High School mula Olongapo City, Zambales ang kahalagahan ng siyensiya sa pagsasaka.
βSa siyensiya natutuklasan natin ang mga bagong paraan ng farming, ng harvesting, ng resilient crops, at makabagong technique sa soil management. Ang mga pananaliksik na ginagawa dito sa RSHD ay nagbibigay sa atin ng mga sandata laban sa pagsubok ng kalikasanβ, pahayag niya.
Ibaβt ibang mga kumpetisyon din ang ginawa para sa mga mag-aaral at magsaka ng Zambales.
COOKING CONTEST:
1st Place: Filomena Mejorada & Sally Mejorada (Samahang Organikong Magsasaka ng Buri, Inhobol)
2nd Place: Michelle Villanueva & Josefina Atanacio (Ampagkamihay Grupon Mamaliyan nin Villar)
3rd Place: Jessica Parilla &Gemmalyn Dial (Samahang Magsasaka ng Poon Bato)
BOOTH COMPETITION:
1st Place: SAMAPO (Samahang Magsasaka ng Poon Bato)
2nd Place: SOMBI (Samahang Organikong Magsasaka ng Buri, Inhobol)
3rd Place: Gurong-guro Farmers Association
QUIZ BEE:
Champion: Jeffrey Derenguela (Student Level)
Champion: Rocky Joseph Parilla (Farmer Level)
POSTER MAKING CONTEST:
Champion: Tysha Nicole Fodra (Iram National High School)
Natapos ang Field Day sa pagpapasalamat ng Assistant Station Manager Raquel E. Guiao at nag-iwan ng paghihikayat sa mga kalahok na subukan ang mga teknolohiyang napatunayang makakatulong sa kanilang pagsasaka.
#DAsaGitnangLuzonKatuwangSaPagsulong








