Scrapbook Evaluation para sa pagkilala kay Juana, isinagawa
Dinaluhan ng mga natatanging nominadong kababaihan ng Gitnang Luzon ang Scrapbook Evaluation sa pangunguna ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 3 – Gender and Development Focal Point System (DARFO3-GAD) ngayong ika-17 ng Hunyo na may temang “Pagkilala kay Juana Sa Panahon ng Pandemya.”
Nilalayon ng nasabing programa na kilalanin ang halaga at makabuluhang papel ng mga kababaihan sa ating lipunan lalo na sa larangan ng agrikultura at pangingisda. Gayundin ang magbigay ng inspirasyon sa lahat ng kalalakihan, kabataan at kababaihan sa pagkamit ng mga layunin ng Kagawaran.
Sinimulan ang nasabing programa mula sa panimulang mensahe ni Gender and Development Focal Point Head Secretariat Anabel C. Mendoza na sinundan ng paglalahad ng mga batayan upang mapili ang Outstanding Young Farmers, Outstanding Women Educator, Outstanding Women Entrepreneur at Outstanding Rural Women.
Pinangunahan ni Regional Executive Director Crispulo Bautista, Jr. bilang GAD Chairperson katuwang sina GAD Focal Person Dr. Irene M. Adion at GAD Alternate Focal Person Dr. Evelyn C. Fernando ang GAD Focal Point System.
Ang nasabing DARFO-3 Search for Outstanding Rural Women in the Field of Agriculture and Fisheries ay nakabatay sa Proklamasyon bilang 227 series of 1992 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Kababaihan.