SELEBRASYON NG DA SA BUWAN NG ORGANIKONG PAGSASAKA, PORMAL NANG BINUKSAN
Inumpisahan na Kagawaran ng Pagsasaka (DA) para sa Gitnang Luzon sa pangunguna ng Research Division ang selebrasyon nito ng 7th Organic Agriculture Month na may temang “Organikong Pagsasaka, Sagot sa Pandemya” nitong ika-5 ng Nobyembre sa DA-RFO 3 Conference Room, Capitol Compound, City of San Fernando, Pampanga.
Dumalo sa naturang selebrasyon ang National Organic Agriculture Board Member, Small Farmer Luzon Representative bilang panauhing pandangal; Regional Executive Director ng DA Gitnang Luzon Crispulo G. Bautista, Jr.; OIC-Regional Technical Director for Research, Regulatory and Integrated Laboratory Division Arthur Dayrit, Ph.D.; Regional Organic Focal Person Dr. Irene Adion; at Provincial at Municipal Organic Agriculture Coordinators.
Ayon sa Proclamation No. 1030 na napirmahan noong ika-21 ng Mayo taong 2015 ng dating Presidente Benigno Aquino III na nagdedeklara bilang Organic Agriculture Month tuwing buwan ang Nobyembre taun-taon na isang epektibong paraan upang mabigyang diin ang pagtataguyod at pagpapaunlad ng organikong pagsasaka sa bansa at proteksyon sa kalusugan ng mga magsasaka, mamimili at kapaligiran.
Bilang pagtugon dito, maraming mga inihandang gawain ang kagawaran sa isang buwan selebrasyon nito:
Webinars:
1. Healthy Lifestyle with Organic Products : November 5, 2021
2. Youth in Agriculture Business : November 10, 2021
3. Organikong Pagkain para Labana ang Pandemya : November 17, 2021
4. Philippine National Standards on OA : November 25, 2021
Trade Fairs:
1. Waltermart, CSF Pampanga : November 11-13, 2021
2. CLIARC-LDC, Tarlac City, Tarlac : November 12, 19 and 26, 2021
3. CLIARC-UDS, Magalang, Pampanga : November 23-25, 2021
4. San Marcelino, Zambales : November 12, 19 and 26, 2021
5. Botolan, Zambales : November 9-11, 2021
Contest:
1. Best Farmer’s Success Story : November 12, 2021
2. OA Photo Journey : November 8-19, 2021
3. OA Quiz Bee : November 9-11, 2021