Ito ang tema para sa selebrasyon ng National Rice Awareness Month o NRAM sa Gitnang Luzon. Ang “riceposible” ay nagmula sa pinagsamahan salitang “rice” at “responsible” na naglalayong hikayatin ang bawat Pilipino na huwag magsayang ng kanin at kumain lamang ayon sa kayang ubusin. Ang NRAM ay taunang ginaganap tuwing Nobyembre sa ilalim ng Proclamation No. 524, s. 2014 upang isulong ang responsableng pagkunsumo ng kanin at bigyang halaga ang pagod ng mga magsasaka.

Ayon kay Rice Focal Person ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Gitnang Luzon Lowell Rebillaco, kabilang sa mga gagawing aktibidades ay: Logo Making Contest, Rice Cooking Contest, Information Dissemination Campaign etc. Kaya mga Kasaka, Huwag magsayang ng kanin, Kumuha lamang ng kayang ubusin,Pasalamatan ang mga magsasaka.

Be RICEponsible!

🌾#DACentralLuzonKatuwangSaPagAhon