Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa pangunguna ng Integrated Laboratories Division (ILD) katuwang ang Bureau of Animal Industry (BAI) at Department of Health (DOH) ang selebrasyon ng World Rabies Day na dinaluhan online sa pamamagitan ng Zoom application at personal din ng mga Municipal at Provincial Veterinarians ng ikatlong rehiyon na ginanap sa SACOP, City of San Fernando, Pampanga noong ika-28 ng Setyembre.

Ngayong taon, ang World Rabies Day ay may temang “Rabies: One Health, Zero Death” na may layuning magbigay kamalayan para sa lahat at maitaguyod ang pag-alis ng rabies sa bansa. Ito ay idinaraos taun-taon bilang pag-alala sa anibersaryo ng pagkamatay ni Louis Pasteur na siyang nakadiskubre ng bakuna laban sa rabies. Pinangunahan ito ni Regional Rabies Coordinator Dr. Milagros Mananggit kasama sina Regional Technical Director for ILD, Regulatory and Research Arthur Dayrit, Ph.D., Head of Animal Disease Control, Animal Health and Welfare Division ng BAI Dr. Anthony Bucad, OIC-Chief of Local Health Support Division Center for Health and Development at Head of Infectious Diseases Cluster ng DOH Dr. Maria Eloisa Vidar, at JICA Expert for Japan and Philippines One Health Rabies Project Dr. Nobuo Saito. Binigyang diin ni Dayrit sa kaniyang pambungad na pananalita ang ilan sa kaso ng rabies na naitala sa Pilipinas.

“70,000 deaths worldwide were caused by rabies, around 56% of this death is from Asia, and from the Philippines there are around 200 deaths a year,

” pahayag nito.Ayon naman kay Bucad, ibinahagi niya ang mga key strategies para malimitahan ang rabies sa mga hayop. Ito ay ang STOP-R o Socio-Cultural, Technical, Organizational, Political-Resources na naglalayong maging rabies free ang Pilipinas.Sa mensahe naman ni Vidar, ibinahagi niya ang naitalang kaso ng human rabies sa Gitnang Luzon para sa parehong mga buwan ng taong 2021 at 2022.

“Between the same date period of 2021 last year and first half of 2022, we have 35 number of cases from January to August of 2021 and 35 from January to August of 2022,” aniya. Dagdag naman ni Mananggit, ang pagbabakuna ay isa sa mga istratehiya kung paano maiiwasan ang pinsalang dulot ng rabies.

“Ang rabies ay 100% preventable sa pamamagitan ng pagbabakuna,” saad nito. Sa huling bahagi ng aktibidad, tinalakay naman ng mga Rabies Coordinators/Provincial/City Veterinarians ang mga istratehiyang isinagawa ng mga LGUs upang makamit ang pagkakaroon ng zero rabies cases sa kanilang mga probinsiya.

#DACentralLuzonKatuwangSaPagAhon