Isinagawa ang ikaapat na batch ng Seminar sa Rabies, GAD, AMR, Food Safety, at ILD Services noong Marso 25, 2026 sa Baliwag Business Center sa Baliwag, Bulacan bilang bahagi ng serye ng mga aktibidad na isinasagawa sa bawat lalawigan ng Gitnang Luzon.
Ito ay pinangunahan ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa pangunguna ng Integrated Laboratories Division.
Layunin ng seminar na palawakin ang kaalaman ng mga kalahok hinggil sa kalusugan ng tao at hayop, kaligtasan ng pagkain, at mga serbisyong teknikal na iniaalok ng pamahalaan.
Binuksan ang programa sa pamamagitan ng mensahe ng pagtanggap ni City Agriculturist Elenita Hernandez.
Nagbigay naman ng inspirasyonal na mensahe ang kinatawan mula sa Provincial Veterinary Office na si Dr. Emmanuel Francisco.
Tinalakay ni Dr. Milagros Mananggit ang Orientation ng Integrated Laboratories Division at Animal Rabies Control Program, habang ibinahagi ni Josephine Nicolas ng City Health Office ang usapin ukol sa rabies sa tao.

Ipinaliwanag ni Dr. Joely Ongtangco ang tungkol sa antimicrobial resistance at mga serbisyo ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory.
Ibinahagi rin ang mga serbisyo ng Regional Crop Protection Center sa pangunguna ni Science Research Specialist I Rosalyn Fulgencio, pati na ang Gender and Development laws at suporta ng Department of Agriculture na iprinisinta ni Renz Ariane Sicat, GAD Secretariat.
Nagpahayag ng kanilang suporta at pangako sa programa sina Engr. Aileen Bondoc mula sa DILG at Barangay Councilor Noemi Roque ng Barangay Tarcan, kasunod ang isinagawang open forum at post-test.
Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng mensahe ng pasasalamat at pagbibigay-diin sa kahalagahan ng patuloy na pakikiisa mula kay Veterinarian III Dr. Reinalyn Quinaquin.
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong







