Nagsagawa ang Kagawaran ng Pagsasaka at si Senator Imee R. Marcos ng isang pakikipagdiyalogo sa mga Young Farmers Challenge (YFC) Awardees at Enhanced KADIWA-Grant Beneficiaries nitong ika-13 ng Marso, sa Cuyapo Municipal Session Hall, Cuyapo, Nueva Ecija.

Sa diyalogo sa pagitan ng Senadora at ng mga YFC Provincial at Regional Awardees, kaniyang inalam ang estado ng kani-kanilang agribusinesses.

Dito ay kaniyang hinikayat ang bawat isa na tumutok sa ilang value-added na produkto na nakahanay sa kanilang pangunahing kalakal na kasalukuyang may mataas na demand sa merkado.

Matapos ay kaniyang sunod na inalam ang kasalukuyang estado ng operasyon ng mga benepisyaryo ng Enhanced KADIWA.

Napag-usapan rin sa aktibidad ang tungkol sa pagkonekta sa mga ito bilang mga magsasaka at prodyuser ng mas direkta sa mga pamilihan.

Samantala, naging kaakibat din sa nasabing kaganapan sina Assistant Secretary for Consumer Affairs and Department of Agriculture Spokesperson Kristine Evangelista, Nueva Ecija Governor Hon. Aurelio Umali, Cuyapo Mayor Hon. Florida Esteban at Regional Technical Director for Operations and Extension and Agribusiness and Marketing Assistance Division, Dr. Eduardo Lapuz Jr.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon