Matagumpay na naisagawa ang tatlong-araw na Site Monitoring, Participatory Rural Appraisal at Registry System for Basic Agriculture (RSBSA) sa Samahan ng Sitio Inuman Farmers Association sa Sitio Iligan, Norzagaray, Bulacan noong ika-29 hanggang 30 taong 2026. Ito ay sa pangunguna ng Kagawaran ng Pagsasaka sa ilalim ng Programang 4K o ang Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang hanay ng ga katutubong magsasaka at tiyakin ang kanilang inklusyon sa mga pambansang programa. Sa unang araw, naisagawa ang pag rerehistro ng mga kapatid na Dumagat sa pangunguna nina Erwin Maningas, Angel Pamintuan at Jhon Carl Bondo, mga kapwa Registration Officer. Mula sa target na 44 na miyembro ng samahan ay nakapagtala ng 47 na magsasakang nairehistro.
Dagdag pa rito, naisagawa rin ang kauna-unahang pagbaba ng Department of Agriculture upang isagawa ang Participatory Rural Appraisal sa kanilang lugar. Ito ay naglalayong na mapag-aralan ang mga aspeto, kultura, pamamaraan, at estratihiya ng mga magsasaka. Kasama rin dito ang mapping ng kanilang lugar taniman upang maitala ang sukat at lokasyon. Sa katauhan naman ni Melody M. Valdez, 4K Program Focal Person ay muling natalakay at nabigyang linaw ang alituntunin ng programang 4K.
Para sa huling araw ng aktibidad, naisagawa ang patatasa ng antas ng kanilang pamumuyhay o Level of Development (LOD) na pinangunahan ng National Program Manangment ng 4K Program na sina John Elber A. Memita at Beloved Asco, kapwa Project Development Officer. Hangarin nito ang masusing pag-aaral sa kanilang samahan upang maitaas pa ang lebel ng kanilang pamumuhay. Kasabay ring isinagawa ang re-profiling ng kanilang samahan na pinangunahan ni Gerome B. Santiago at Stephen V. Miclat, na kapwa 4K Program Community Development Officer. Bilang huling bahagi ng programa, ang mga katutubong Dumagat ay nagsulat din ng kanilang pormal na sulat kahilingan ukol sa mga kagamitan, at pangangailan sa kanilang pagbubungkal ng lupa.
Ang naturang programa ay nagsilbing bunga ng pakikipagtulungan ng ibat-ibang ahensya kabilang na ang National Commission on the Indigenous People (NCIP) na kinatawan nina Brenda Meriam Ambinoc at Luzviminda San Jose, Department of Education sa katauhan ni Abegail M. Mabini, IPEd/ALS Teacher, Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS), National Power Corporation- Angat WaterShed Area Team (NPC-AWAT), Provincial Agriculture Office of Bulacan, Municipal Agriculture Office of Norzagaray at Department of Agriculture- Regional Field Office 3. Patunay ito ng tuloy-tuloy na pagsulong ng mga magsasaka sa ilalim ng programa. At nagsisilbing pundasyon sa mas inklusibo, makatao at sustenableng sektor ng agrikultura.
#BagongPilipinas
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong

