SOA on Rabbit Production, sumahimpapawid na
Sinubaybayan ng mahigit limang daang enrolled farmers ng Nueva Ecija ang unang pagsasahimpapawid ng School-on-the-Air (SOA) on Rabbit Production Asenso sa Pagkukuneho ng Department of Agriculture – Regional Field Office No. 3 (DARFO3) at ng Agricultural Training Institute – Regional Training Center III (ATI-RTC3) nitong ika-walo ng Setyembre sa ganap na ika-pito hanggang ika-walo ng umaga sa DWNE 900kHz AM.
Tinalakay sa unang episode ng SOA on Rabbit Production ang mga programa ng ATI-RTC3, programa ng DARFO3 Livestock, ang mga dapat asahan sa SOA Rabbit production at ang kabuuang sitwasyon ng industriya ng pagkukuneho sa bansa.
Binigyan linaw nina ATI-RTC3 Information Officer II Shanemie Daguio Pradera, Regional Livestock Coordinator Elisa E. Mallari, Livestock Technical Staff Bjorn Quiambao at Owner ng Aven’s Farms Baliwag Bulacan Art Veneracio ang mga katanungan ng ating mga magsasaka kaugnay sa SOA Rabbit Production.
Patuloy na sasahimpapawid ang SOA on Rabbit Production tuwing Miyerkules at Biyernes sa ganap na ika-pito hanggang ika-walo ng umaga sa DWNE 900kHz AM.