Isinagawa kamakailan ang pagsusuri sa mga nominado para sa Regional Search for Outstanding Rural Women 2024 mula Mayo 21 hanggang Hunyo 19.

Layunin ng aktibidad na ito na kilalanin at parangalan ang mga kababaihang nagpapakita ng kahusayan, nagbibigay-pagpapahalaga, at nagsusulong sa pag-unlad ng kanilang komunidad.

Ang mga sumusunod ay ang mga nominadong mula sa iba’t ibang lalawigan:

Pampanga: Maria Concepcion Arcega (Barangay Anon, Floridablanca)

Aurora: Jennifer Libag (Barangay Maligaya, Dilasag)

Nueva Ecija: Ana Catalina Trinidad (Barangay Culaylay, San Jose City)

Zambales: Mercelita Diaz (Barangay San Agustin, Iba)

Bulacan: Jocelyn Reyes (Barangay Mataas na Parang, San Ildefonso)

Bataan: Hilaria Del Rosario (Barangay Duale, Limay)

Ang bawat isang nominado ay sumailalim sa pagsusuri mula sa mga field validators na kinabibilangan ng mga miyembro ng Technical Working Group at Focal Point System ng Gender and Development (GAD).

Ito ay pinapangunahan ni GAD Focal Person Dr. Milagros Mananggit, GAD Head Secretariat Rica Salas at Zayra Toledo, GAD Secretariat Imariole Tayag at Renz Ariane Sicat, Shiela Hipolito, at Evelyn Villafane.

Matapos ang mahigpit na pagsusuri, inaasahang iaanunsiyo ang mga nagwaging kababaihan sa isasagawang seremonya ng pagbibigay ng parangal sa Setyembre.

Ang aktibidad na ito ay patunay ng pagpapahalaga sa kasarian at pagsuporta sa kapakanan ng mga kababaihan sa kanilang pagpupunyagi sa mga larangan ng agrikultura, pangangalaga sa kalikasan, at iba pang aspeto ng pambansang kaunlaran.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon

#BagongPilipinas