Kasalukuyang nagsasagawa ng pagpupulong ang Kagawaran ng Pagsasaka (DA) sa pangunguna ng Agribusiness and Marketing Assistance Service katuwang ang DA sa Gitnang Luzon at Cordillera Administrative Region ngayong araw, ika-10 ng Enero. Inaasahang matatalakay sa pagitan ng ahensiya at farmer cooperatives ang mga suhestiyon at kasunduan tungkol sa mga polisiya at regulasyong ipinapatupad ng DA.

Ito ay ginaganap sa DA CAR Old Conference Hall, Easter Road, Guisad, Baguio City.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon