Sa pangunguna ng Corn Banner Program, nagsagawa ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ng ikatlong batch ng training at workshop ukol sa Participatory Mapping para sa Corn at Cassava Clusters ngayong ika-25 ng Agosto sa La Maja Rica Hotel, Tarlac City, Tarlac.
Nilahukan ito ng mga Municipal Corn Coordinators at Agricultural Extension Workers mula sa lalawigan ng Tarlac at Bulacan na inaasahang matatapos bukas, ika-26 ng Agosto.
Ito ang huling grupo na magkakaroon ng Training at Workshop patungkol sa pagma-mapping mula nang simulan ito noong nakaraang linggo ika-18 hanggang ika-19 ng Agosto kasama ang mga MCCs at AEWs ng Bataan, Pampanga at Zambales na sinundan naman nitong ika-23 hanggang ika-24 ng Agosto kasama ang mga MCCs at AEWs naman ng Aurora at Nueva Ecija.
Pinangunahan ito ni Regional Corn Program Coordinator Adela PeƱalba, kasama sina Corn Program Report Officer Melody Nombre, Tarlac Agricultural Program Coordinating Officer (APCO) Ricky Manguerra, Tarlac Provincial Corn Coordinator Joseph Gumallaoi at Bulacan Provincial Corn Coordinator Allan Pastrana.
Dinaluhan din ito ni Rice Program Project Assistant II Ronel Santos bilang tagapagsanay ng mga kalahok para sa dalawang araw.
Layunin ng training at workshop na ito na turuan ang bawat isa ng makabagong pamamaraan ng pagma-mapping gamit ang Google Earth Pro.
Ang pagkakaroon ng kaalaman sa paggamit nito ay makatutulong nang malaki sa pagma-mapping ng mga sakahan partikular na sa corn at cassava.