Patuloy ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA-RFO III) sa mga magsasaka sa ikaapat na distrito ng Pampanga.

Noong ika-4 ng Agosto, umabot sa 73 benepisyaryong magsasaka ang nakatanggap ng halagang ₱2,325 bawat isa bilang tulong pinansyal, kung saan 53 ang mula sa Minalin at 20 naman ang mula sa Sto. Tomas.

Sa ilalim ng PAFFP, ang bawat kwalipikadong benepisyaryo ay makakatanggap ng ₱2,325 bilang unconditional cash assistance na maaari nilang gamitin ayon sa kanilang agarang pangangailangan. Maaaring ilaan ang naturang tulong sa pagbili ng gasolina para sa mga makinaryang pansakahan, abono, binhi, at iba pang gastusin sa pagsasaka.

Naging maayos ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga kawani ng DA-RFO III at ng mga lokal na pamahalaan ng Minalin at Sto. Tomas upang matiyak na naihatid ang ayuda sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangSaPagsulong