Matagumpay na naisagawa ang Workshop para sa Farmers and Fisherfolk Enterprise sa ilalim ng Republic Act No. 11321 o ang “Sagip Saka Act,” sa pangunguna ng Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng tanggapan ni Assistant Secretary for Sagip Saka Program, Atty. Joycel Panlilio. Ang nasabing gawain ay isinagawa noong ika-9 hanggang ika-13 ng Pebrero sa Sinagtala Farm, Orani, Bataan.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11321 o ang “Sagip Saka Act,” layunin ng pamahalaan na tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na paunlarin ang kanilang mga negosyo at mapabuti ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng sapat na kaalaman, suporta, at programang pangkaunlaran mula sa gobyerno.
Ang nasabing workshop ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang rehiyon, attached agencies, at mga pangunahing stakeholders, kung saan tinalakay ang pagpapatibay ng budget updates para sa Fiscal Year 2026 at isinagawa ang re-orientation hinggil sa mga probisyon at layunin ng Sagip Saka Act.
Nagkaroon din ng mga open forum matapos ang bawat presentasyon upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na magtanong, magbahagi ng pananaw, at magbigay ng mga rekomendasyon.
Para sa ikalawang araw ng workshop, isinagawa ang konsultasyon hinggil sa mga Alituntunin para sa Pagpapatupad ng Sustainable Agricultural and Fishery Enterprise (SAFE) sa pamamagitan ng Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Program sa ilalim ng R.A. No. 11321 o ang “Sagip Saka Act.”
Dagdag pa rito, tinalakay rin ang presentasyon ng mga Guidelines para sa Agricultural Mechanization and Infrastructure ng Department of Agriculture kaugnay ng implementasyon ng Enterprise Development Plan ng Kagawaran, gayundin ang presentasyon ng FY 2027 Plan and Budget Preparation para sa Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Program (FFEDP).
#BagongPilipinas
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong







