Ginawaran ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO 3) ang mga nagwagi sa Young Farmers Challenge FY 2023 Provincial Level noong ika-28 ng Setyembre, sa Hacienda Gracia Resort and Hotel, Lubao, Pampanga.
Pinarangalan ng Competitive Grant Assistance ang nasa 48 na indibidwal at grupo ng kabataan mula sa pitong probinsiya ng Gitnang Luzon.
Ang nasabing mga indibidwal at grupo ng kabataang magsasaka ay ang mga nagwagi sa provincial level ng YFC kung saan iginawad sa kanila ang assistance na nagkakahalaga ng 80,000 pesos para sa kanilang mga proposed project.
Pinangunahan ang programang ito ng DA RFO 3 Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD).
Sa panimula ng programa, ipinakilala at nagbigay ng mensahe si AMAD OIC-Chief Dr. Maricel L. Dullas sa kabataang makatatanggap ng assistance mula sa DA.
Aniya, hiling niya na maging matagumpay ang mga project at balakin ng mga ito pagdating sa pagkakaroon ng negosyong pang-agrikultura at hindi lamang matapos sa provincial level ng kompetisyon kundi makarating hanggang national level.
Pasasalamat at mensahe ng inspirasyon naman ang ipinahayag ni Grace Angela DG. Sta Ines ng Crayvings mula sa Jaen, Nueva Ecija, at John Arex M. Ocampo ng Kwaktutubo mula sa Iba, Zambales na kapwa benepisyaryo ng YFC ngayong taon.
Dumalo rin sa programa ang kani-kanilang Municipal Agricultural Officer (MAO) at Provincial Agriculturist (PA) ng bawat probinsiya gayundin sina Regional Technical Director Dr. Eduardo L. Lapuz Jr., Regional Technical Director Dr. Arthur D. Dayrit., Chairman of Golden Beans and Grains Producers Cooperative Dr. Leonilo S. Dela Cruz bilang isa sa mga panel of judges, at Chief of Agribusiness Promotion Division ng AMAS Anne Lyn Lisbo.