Pinarangalan ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) ang mga nagwaging kalahok ng Young Farmers Challenge 2023 sa National Awarding Ceremony nito noong ika-6 ng Hunyo, sa Crop Biotechnology Center, PhilRice, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.
Labindalawang (12) kalahok ang nagwagi sa Start-Up category na tumanggap ng tig-PhP300,000, habang lima (5) naman ang nagwagi sa Upscale category at nanalo ng tig-PhP500,000.
Dalawa sa mga ito ay kalahok mula sa Gitnang Luzon. Wagi sina John Carlo Abedoza ng “Sir Juan Agriventure” mula sa Cuyapo, Nueva Ecija at John Arex M. Ocampo ng “KWAKtutubo” mula sa Iba, Zambales sa Start-Up Level production category.
Ang financial grant na kanilang napanalunan ay kanilang magagamit bilang puhunan sa kanilang agri-fishery enterprises. Sa pamamagitan nito, magkakaroon sila ng kakayahan na palawakin ang kanilang mga operasyon, makabili ng mga kinakailangang kagamitan at teknolohiya, at makapagpatupad ng mga bagong pamamaraan at inobasyon sa kanilang mga negosyo.
Ang seremonya ay dinaluhan ni Senator Imee Marcos bilang pangunahing tagapagsalita.
Dumalo rin sa nasabing kaganapan ang mga opisyal ng DA, Office of the Assistant Secretary for Consumer Affairs, mga Regional Executive Director, mga YFC Provincial at Regional Awardee, mga pangulo at kinatawan ng State Universities and Colleges, YFC Regional Project Management Team, High Value Crops Development Program, National Rice Program, at mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Narito ang kumpletong listahan ng Young Farmers Challenge 2023 National Awardees:
Start-Up Level:
- Joseph Malantao, Khester Gabe Odango, at Patrisha Joyce Manalo ng Magrice App – Region XII
- Seth Luigi Borbon ng Clawseth Aquafarm – Region VI
- Ryan Vincent Galos ng Sikwate Tea Hub – NCR
- Son Raffael Barret ng Qfarmercegen Eco Farm – Region IX
- Andrea Rose Reyno ng Calabaza Deli – Region XI
- Jayson Fontanosa at Isaiah Noel Macarilay ng Pilipinya Agercolo Leaf Fiber – Region IV A
- Edwin Gonzales, Jr. ng Coco Chill Processing – Region XII
- Cilfred Ramos at Harry Luces ng EcoGrow Agritek – Region VI
- Leon Vincent Paraguya ng Wagling Cattle Enterprise – Region X
- John Carlo Abedoza ng Sir Juan Agriventure – Region III
- Andrea Naranja ng Andrea’s Quail Farm and Hatchery – Region IX
- John Arex Ocampo ng KWAKtutubo – Region III
Upscale Level:
- Japhet Tabale ng Prince Cacao Products Manufacturing – Region XIII
- Lawrence Joseph Velasco at Elysah Velasco ng Rancho Velasco Agri Farm – Region IV A
- Lendilou Loon ng Sergio-Loon Coffee Farm – Region XI
- Reynro Herrera ng HealthyBite Food Processing and Preserving – Region VI
- Shawnie Dhale Bitso ng Sanagi Agritourism Farm and Farm School – CAR
Ang matagumpay na seremonyang ito ay pinangunahan ng Agribusiness and Marketing Assistance Service katuwang ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon, Philippine Rice Research Institute, Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region III, Philippine Carabao Center, at Central Luzon State University.
#BagongPilipinas
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon