|| Isang pagpupulong ang kasalukuyang isinasagawa sa pagitan ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA-RFO 3) at Office of Provincial Agriculture ng bawat lalawigan ng ikatlong rehiyon ngayong araw, ika-21 ng Pebrero.

Pag-uusapan sa aktibidad ang implementasyon at pagpapalawig ng mga programa at proyekto sa ilalim ng DA-RFO 3.

Ito ay ginaganap sa Don Juico Avenue, Clark View, Malabanias, Angeles City, Pampanga.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon