Kasalukuyang isinasagawa ang 8th National Carabao Conference ngayong araw, ika-15 ng Nobyembre sa DA-PCC, National Headquarters, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Sa temang “Mga Kuwentong Tibay, Pagbangon at Pasasalamat sa Pagkakalabawan,” tampok sa aktibidad ang iba’t ibang kasanayan, makabagong teknolohiya at dagdag kaalaman ukol sa industriya ng pagkakalabaw.

#DACentralLuzonKatuwangSaPagAhon