#LabForAll || Nakiisa ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO 3) sa programang Lab For All ngayong araw ika-19 ng Setyembre, sa San Rafael, Bulacan.

Ang nasabing programa ay sa inisiyatibo ni First Lady Atty. Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos na layuning makapaghatid ng libreng konsulta-medikal sa mamamayan.

Samantala, namigay naman ang DA ng mga buto ng gulay na maaaring itanim kagaya ng pechay, sili, okra, lettuce, sitaw, kalabasa, talong, kamatis, ampalaya, at kangkong.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon