#AgriCreditForum || Kasalukuyang nagsasagawa ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ng Agri-Credit Forum ngayong araw, ika-18 ng Mayo sa Benigno Hall, Capitol Compound, Pampanga.

Sa pangunguna ng Agribusiness and Marketing Assistance Division, layunin nitong maiugnay ang mga magsasaka at mga asosasyon o kooperatiba sa iba’t ibang financing/loan programs.

Sa kabuuan, nasa 50 ang lumahok sa nasabing aktibidad.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon