Naganap ang isang Courtesy Call sa pagitan ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa pangunguna ni Regional Executive Director Crispulo Bautista, Jr. at Office of the Secretary sa pangunguna naman nina Project Evaluation IV Julito Velasco, Project Development Officer Roberto Villa, Project Evaluation IV Dante Fidel at Executive Assistant Loreto Panganiban nitong ika-20 ng Pebrero sa DA – RFO 3, City of San Fernando, Pampanga.

Dinaluhan din ang nasabing courtesy call ng mga representante ng mga ahensiya ng gobyerno katulad ng Bureau of Plant Industry, Agricultural Credit Policy Council, High Value Crops Development Program (HVCDP) Central Office at Regional HVCDP ng Gitnang Luzon.

Layunin nito na ma-monitor ang mga production areas ng mga munisipyong may tanim pang sibuyas at upang silipin din ang mga interbensiyon na ipinagkaloob ng Kagawaran.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon